Ano ang tamang paraan ng pagsalungat sa ideya o suhestiyon ng iyong kapwa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang tamang paraan ng pagsalungat sa ideya o suhestiyon ng iyong kapwa?

Sagot verified answer sagot

Karapatan natin na tayo ay makapagbibigay ng mga ideya, opinyon, at sushestiyon lalo na sa mga bagay na may kinalaman o makakaapekto sa ating pamumuhay.

Ngunit hindi lahat ng mga ideya o sushestiyon na mangagaling sa ating sarili ay maganda o kagad-agad magagawa. Ating isaisip ang kapakanan ng ibang tao, ng ating kapwa sa tuwing tayo ay may ideya at suhestiyon.

Kung nais nating salungatin ang ideya o suhestiyon ng ibang tao ay magbigay tayo ng mga rason na hindi tayo sang-ayon.

Maaari rin nating kwestyunin nang mas malalim at mas maiigi ang kanyang ideya o suhestiyon para naman maipaliwanag niya nang mas mabuti at magbago pa ang isip natin.