Ano ang tawag ng mga espanyol sa subersibong kaisipan ng mga Pilipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang tawag ng mga espanyol sa subersibong kaisipan ng mga Pilipino? Kanina ko pa hinahanap yung sagot pero di ko makita huhu. Wala kasi dito si mama para tumulong

Sagot verified answer sagot

Ano ang tawag ng mga espanyol sa subersibong kaisipan ng mga PilipinoTinatawag na Filibustero o pilibustero ang kaisipang subersibo ng mga Pilipino. Kapag sinabing subersibo, ito ay nangangahulugang tao na kumikilos laban sa isang kairalan o rebulosyonaryo.

Ginagamit ng mga mananakop na Espanyol ang terminong Filibustero dahil ito ay nauso rin noong ika-19 siglo at tumutukoy sa mga adbenturerong may layuning mag-upat ng pag-aalsa sa Latin America.

Nagamit din ito ng bayani at manunulat na si Dr. Jose Rizal bilang pamagat ng isa sa kaniyang mga nobela na naging daan din upang mamulat ang maraming Pilipino na kailangan nang ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mga walang puso at sakim na mananakop.