Ano ang tawag sa Asya na matatagpuan sa silangan ng Europa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang tawag sa Asya na matatagpuan sa silangan ng Europa? Andami kasi nalilito po ako ^_^

Sagot verified answer sagot

Ano ang tawag sa Asya na matatagpuan sa silangan ng EuropaAng Asya na matatagpuan sa silangan ng Europe ay ang Gitnang Silangan o Kanlurang Asya. Ilan sa mga bansang kasama sa rehiyong ito ay ang Cyprus, Israel, Jordan, Iraq, Lebanon, Oman, Iran, Saudi Arabia at marami pang iba dahil nasa 17 na bansa ang kabilang dito at sinasabing may populasyon na aabot sa 371 milyon.

Tinawag naman itong Middle East o Gitnang Silangan dahil ginamit daw ito ng Amerikanong manlalakbay na si Alfred Thayer Mahan upang bigyan ng klasipikasyon ang lugar sa pagitan ng Arabia at India.

Dahil dito, ito na ang naging tanyag na tawag sa bahaging ito ng Asya na pinakamalapit sa kontinente ng Europa.