Ano ang tawag sa huling tunog sa linya ng isang tula?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang tawag sa huling tunog sa linya ng isang tula?

Sagot verified answer sagot

Ang tawag sa huling tunog ng isang tula ay tugma. Ang tugma ay isang element ng akdang pampanitikan na tula na tumutukoy sa katangian ng isang tula na hindi makikita o magagamit sa tulang Malaya o tuluyan.

Ang isang tula ay matatawag na nagtataglay ng tugma kung ang mga huling pantig sa bawat huling salita sa loob ng isang saknong ay magkakapareho o di naman kaya ay magkakasingtunog.

Sa lagay na ito, kung ang mga huling tunog ay pare-pareho ng bigkas o tunog, ito ay tinatawag na tugmaan. Ang tugma rin ang siyang nagbibigay ng indayog o himig sa isang tula.