Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng Asya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng Asya?

Sagot verified answer sagot

Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng AsyaTinatawag na tangway o peninsula ang isang anyong lupa na nakausli sa karagatan. Maaari itong makita sa Asya at sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa depinisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino, ang tangway ay isang lupa na halos napalilibutan ng tubifg na idinudugtong sa higit na malaking lupa sa pamamagitan ng isang dalahikan.

Sa Pilipinas, may ilang tangway na matatagpuan sa kabuuan ng bansa. Una na rito ay ang buong rehiyon ng Bicol na tinatawag ding Tangway ng Bicol o Bicol Peninsula. Sa timog naman, matatagpuan ang Zamboanga Peninsula o Tangway ng Zamboanga.