Ano ang tawag sa katangian ng likas na batas moral ang sakop ang lahat ng tao, lugar, lahi, kultura at lahat ng pagkakataon?

Katanungan

ano ang tawag sa katangian ng likas na batas moral ang sakop ang lahat ng tao, lugar, lahi, kultura at lahat ng pagkakataon?

Sagot verified answer sagot

Noong ang mga tao ay likahin, ang likas na batas moral ay inihandog sa atin. Sa kapangyarihan ng likas na batas moral, may kakayahan tayong mga tao na matukoy ang masama at mabuti para sa atin at sa ating mundong ginagalawan.

Ito ay sa kadahilanan na binuo tayo na may halintulad at kabahagian sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Isa sa mga katangian ng likas na batas moral ay ang pagiging unibersal nito.

Ibig sabihin, ang likas na batas moral ay sakop ang lahat ng tao, lugar, lahi, at kultura sa lahat ng pagkakataon. Kahit sino ka man, ikaw ay may likas na batas moral.