Ano ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay sa laki at taas ng mga ito?

Katanungan Sagot

8

Katanungan

ano ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay sa laki at taas ng mga ito?

Sagot verified answer sagot

Ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay sa laki at taas ng mga ito ay tinatawag na proporsyon.

Sa pagbuo o paggawa ng sining, iba’t ibang element ang dapat isaalang-alang. Kabilang na sa mga elementong ito ang proporsyon.

Ang proporsyon ay isang element ng sining na nagbibigay pansin sa ugnayan sa pagitan ng mga hugis at ng espasyo.

Upang matawag na nagtataglay ng proporsyon ang isang sining, ang mga kulay, hugis, sentro, at ang kabuuan nito ay dapat na magkakaugna sapagkat ang kaugnayang ito ang siyang nakadaragdag ng kariktan o kagandahan ng isang likhang sining.