Ano ang tawag sa mga anak ng mayamang Pilipino nakapag-aral at naging propesyonal?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang tawag sa mga anak ng mayamang Pilipino nakapag-aral at naging propesyonal?

Sagot verified answer sagot

Ano ang tawag sa mga anak ng mayamang Pilipino nakapag-aral at naging propesyonalNoong panahon ng pananakop ng mga Kastial sa Pilipinas, tinawag nila ang mayayamang Pilipinong nakapag-aral at naging propresyonal bilang ‘ilustrado.’

Ito ay mula sa salitang Spanish na ilustrado na ang ibig sabihin ay “natuto” o “enlightened ones.” Ang salitang ilustrado ay maaari ding tawaging “gente de razon” sa ibang bahagi ng New Spain na may katulad rin na kahulugan.

Ang mga ilustrado ay maituturing pa ring middle class na pamilya kahit na mayaman sila dahil mas makapangyarihan pa rin sa kanila ang mga awtoridad. Isa sa mga pinakasikat at pinakamatagumpay na ilustrado sa kaniyang panahon ay ang bayani, manunulat, at doktor na si Jose Rizal na mula sa Calamba, Laguna.