Katanungan
ano ang tawag sa mga bagay na nahukay mula sa kabihasnang indus?
Sagot
Artifact ang tawag sa mga bagay na nahukay mula sa Kabihasnang Indus. Ang Kabihasnang Indus ay isang kabihasnan na nasa lambak ng Indus river o ilog Indus.
Ang lupain na kung saan ito umusbong ay pinaniniwalaang mas maluwang kaysa sa mga lupain ng Mesopotamia at Egypt. Ang isang bansa na kilala sa kasalaukuyan na Pakistan ay sinasabing bahagi rin ng kabihasnang ito.
Tulad ng iba’t ibang kabihasnan, may mga ilang kagamitan at labi rin ng mga ninuno na nahukay mula rito na sa kasalukuyang panahon ito ay tinatawag na mga artifact. Samantala, ang mga taong nag-aaral o nagsisiyasat hinggil sa mga artifacts ay tinatawag na archeologists.