Katanungan
ano ang tawag sa mga gurong amerikano?
Sagot
Noong makalaya na ang ating bansang Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya ay siya naming dumating ang mga Amerikano.
Ang mga Amerikano, gaya ng mga Espanyol, ay may mga layunin nan ais nila makamit sa ating bansa. Isa na rito ang maigting na pagpapahalaga sa edukasyon.
Taong 1901 ng dumaong ang barkong may pangalan na “USS Thomas” sa bansa, bitbit ang mga Amerikano (kabilang na ang mga Amerikanong guro).
Dahil doon, ang mga Amerikanong guro ay sinimulang tawaging “Thomasites” alinsunod sa pangalan ng sinakyan nilang barko papunta sa Pilipinas. Sila ay nagtatag ng mga paaralan at nagsimulang magturo sa bansa.