Ano ang tawag sa mga pinadalang pera ng mga migranteng manggagawa?

Katanungan

ano ang tawag sa mga pinadalang pera ng mga migranteng manggagawa?

Sagot verified answer sagot

Ang mga migranteng manggagawa, o sa ating bansa ay tinatawag na mga OFWs o overseas Filipino workers, ay mga mamamayan na nagibang bansa upang maghanapbuhay o magtrabaho.

Sila ay nagpapadala ng pera na kanilang kinita doon sa kanilang mga naiwan na pamilya dito sa bansa. Ang kanilang pinapadalang pera ay tinatawag na remittance.

Makukuha ito ng kanilang pamilya sa mga remittance centers. ilan sa mga tanyan na remittance centers sa bansa ay ang katulad ng Western Union, LBC, at iba pa.

Ang mga remittance centers na mga ito ay nagsisilbing paraan para mapadali ang pagpapadala ng pera kahit nasaang lupalop ka man sa mundo.