Ano ang tawag sa mga sagisag na ginagamit sa mapa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang tawag sa mga sagisag na ginagamit sa mapa?

Sagot verified answer sagot

Ano ang tawag sa mga sagisag na ginagamit sa mapaTinatawag na simbolo o pananda ang mga sagisag na ginagamit sa isang mapa. Mahalaga ang mga sagisag na ito sa mapa dahil ito ang magbibigay ng direksyon at palatandaan sa sinumang gagamit ng mapa upang maayos na matukoy ang lugar o lokasyong hinahanap.

Iba-iba ang mga simbolo o pananda na ginagamit sa mga mapa depende sa laki o partikular na mapang ginagamit ng isang tao.

Mayroong mga simbolo at pananda tungkol sa mga anyong tubig at anyong lupa na makikita sa daan o di kaya naman ay ang mga tanda patungo sa isang direksyon. May mga simbolo at pananda rin na tungkol sa mga establisimyentong makikita sa lugar na nasa mapa.