Ano ang tawag sa pag aaral tungkol sa uri kalidad at balangkas ng populasyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang tawag sa pag aaral tungkol sa uri kalidad at balangkas ng populasyon?

Sagot verified answer sagot

Ang pag-aaral patungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng isang populasyon ay itinatawag na demograpiya. Ang mga nabanggit ay mga katangian ng isang populasyon, kung saan kabilang rin ang edad, kasarian, trabaho, kita, at estado sa buhay. Lahat ng ito ay pinag-aaralan sa demograpiya.

Sa pamamagitan ng demograpiya ay nagkakaroon ng ideya ang isang populasyon kung paano nila mapaunlad ang ekonomiya nito. Nakakatulong rin ito sa pamahalaan, upang ang mga namumuno ay matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng kanilang nasasakupan.

Maaari ring gamitin ang demograpiya sa larangan ng edukasyon, relihiyon, at marami pang iba. Ito ay isang malawak na agham.