Ano ang tawag sa paglalagay ng mga paring sekular sa mga parokya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paki paliwanag naman po sa akin ito: ano ang tawag sa paglalagay ng mga paring sekular sa mga parokya? hindi ko kasi talaga maintindihan, kanina pa po ako naghahanap ng reference para makagawa ako ng sarili kong sagot 🙁

Sagot verified answer sagot

Ano ang tawag sa paglalagay ng mga paring sekular sa mga parokyaAng tawag sa paglalagay ng mga paring secular sa mga parokya ay sekularisasyon. Ito ay ang paggigiit ng kapangyarihan ng mga paring secular kapantay sa mga paring regular o ang mga Dominikano, Agustino, Pransiskano, at Rekoleto na silang may pangunahing layunin na magpalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.

Wala namang kinabibilangang ordeng panrelihiyon ang mga paring sekular at nasa ilalim sila ng mga Obispo. Gayunman, iginiit ng mga obispo na ang mga paring sekular na ang hahawak sa mga parokyang hawak ng mga paring regular. Ayon kasi sa mga Obispo, ang mga paring sekular ang nasa ilalim nila at hindi ang mga paring regular.