Katanungan
ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
Sagot
Ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin ay tinatawag bilang pagsasaling-wika.
Ginagamit ang pagsasaling-wika kadalasan sa pagitan ng dalawang magkaibang wika. Ito ay upang maintindihan ng mga tao mula sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig ang mensahe o konteksto na nais iparating ng isang manunulat o kahit na ng isang indibidwal.
Sa wikang Ingles, ang pagsasaling-wika ay ang salitang “translate o translation.” Lubos na nakakatulong ito upang magkaintidihan at magkaunawaan ang mga tao kahit nasaan man sila sa buong mundo. Nakakatulong rin ito upang mas mapalaganap ang mga panitikan, tulad ng mga libro, at marami pang iba.