Katanungan
Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
Sagot
Pagsasaling-wika ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Sa wikang Ingles ito ay tinatawag na translation.
Ginagamit ang pagsasaling-wika kung ang isang salita ay sinasalin o nililipat ang eksaktong katumbas nito mula sa isang wika patungo sa isa pang wika.
Gumagamit ang pagsasaling-wika ng pinakamalapit na konteksto o kaparehong mensahe ng isang salita. Marmaing wika sa buong mundo kaya naman naisipan ang pagsasaling-wika upang magkaintindihan pa rin.
Halimbawa ng pagsasaling-wika mula sa wikang Ingles patungo sa wikang Filipino ay ang sumusunod: “The girl” ay wikang Ingles na pagsinalin sa wikang Filipino ay magiging “Ang babae.”