Katanungan
ano ang tawag sa pagmimisyon na ginawa noon?
Sagot
Ang tawag sa pagmimisyon na ginawa noon ay kristiyanisasyon. Ang kristiyanisasyon o tinatawag din bilang pgsasakristiyano ay ang pagbabago sa pinaniniwalaang pananampalataya ng isang tao o di kaya ay grupo ng mga indibidwal.
Upang matiyak ang pagtanggap ng mga tao sa isang bansa sa paniniwala sa relihiyong kristiyanismo, iba’t ibang pamamaraan ang isinagawa.
Ilan sa mga ito ang pagwasak o pagsira ng mga lugar o pook sambahan ng mga katutubong tao upang makapagtayo ng Kristiyanong simbahan at wakasan ang paniniwala ng mga ito sa mga likas na diyos at diyosa.
Idagdag pa riyan ang pagpapalaganap ng demonisasyon sa mga gawaing pagsamba ng mga tao sa kanilang kinamulatang diyos at diyosa na kung saan ang gawaing ito ay ipinakalat na isang gawaing krimen.