Katanungan
ano ang tawag sa pagmimisyon ng mga prayle?
Sagot
Noong ninais ng mga prayle na ipakalat ang kanilang relihiyon na Kristiyanismo sa iba’t-ibang panig ng mundo, nagsagawa sila ng mga misyon.
Dito sa ating bansa, nang ang mga prayle na nagmula sa bansang Espanya ay nagdatingan, kanilang hinikayat ang ating mga katutubong ninuno na maging isang Kristiyano.
Ang tawag sa misyon o paghihikayat na ito ay Kristiyanisasyon. Pinangunahan ng mga prayle ang misyon at kanilang ipinakalat ang mabuting Balita ng Panginoon.
Sinimulan rin nila ang pagtuturo ng ilan sa mga tradisyon ng simbahan tulad ng pagdalo sa misa, pagdarasal, at marami pang iba. Naging matagumpay naman sila sa kanilang misyon.