Ano ang tawag sa pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Cordillera?

Katanungan

ano ang tawag sa pamahalaang itinatag ng mga espanyol sa cordillera?

Sagot verified answer sagot

Ang tawag sa pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Cordillera ay ang comandancia.

Ang comandancia ay ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Cordillera subalit hindi ito naging matagumpay sa pagpapasunod sa mga katutubong Igorot sa usaping tabako.

Ang Cordillera ay isa sa dalawang lugar na hindi madaling napasunod ng mga mananakop sapagkat matapang at malakas ang mga tagapagtanggol nito.

Sinikap na lupigin ng mga Espanyol ang mga katutubo sa kadahilanang ang Cordillera ay katatagpuan ng maraming yamang ginto na natuklasan di umano ni Miguel Lopez de Legazpi.

Kabilang din sa pananakop na isinagawa ang pagnanais na makontrol ang monopoly sa tabako at ang pagpapalaganap ng paniniwalang Kristiyanismo.