Ano ang tawag sa pantig na ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita?

Katanungan

ano ang tawag sa pantig na ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita?

Sagot verified answer sagot

panlapi ang tawag sa pantig na ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita.

Ang mga panlapi ay iba’t ibang salitang ikinakabit sa salitang ugat upang sa gayon ay makabuo ng isang bagong salita.

Ang panlapi ay nahahati sa tatlong klase ang unlapi na siyang idinudugtong o ikinakabit sa bahaging unahan ng salita gaya ng – na-, ma-, nag-, mag-, at pag-; ang gitlapi naman ay inilalagay sa bahaging gitna ng salita gaya ng –in- at –um-; at ang hulapi na ikinakabit naman sa dulong bahagi gaya na lamang ng –han, -hin, -an, at –in. mahalaga na malaman ang wastong panlaping gagamitin upang maging katanggap-tanggap ang salita.