Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan?

Sagot verified answer sagot

Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunanAng tawag sa pagsasaayos ng lipunan ay lipunang pampolitika. Ang lipunang pampolitika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaayusan, kaisahan, at pagkakasundo sa ikinikilos ng bawat bahagi ng lipunan.

Ang lipunang pampolitika ay isang proseso o paraang isinasagawa upang magkaroon ng iisang layunin at pagkilos ang bawat mamamayan na mahalaga upang makamit ang mga inaasam na mithiin, makuha ang pag-unlad, at higit sa lahat ay magkaroon ng kabutihang panlahat.

Sinasabing kung ang bawat isa ay mayroong pagkakaisa, magkakaroon din ang bawat indibidwal ng maayos at mapayapang pamumuhay dahil walang lamangan, walang inggitan, at walang kompetisyon sa bawat isa at nakatuon sa pagkilos ng magkakasama para sa iisang layunin.