Ano ang tawag sa sangkap o elemento ng sining na nagmula sa isang tuldok?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang ang sining na nagmula sa isang tuldok?

Sagot verified answer sagot

Linya ang tawag sa isang elemento ng sining na nagmula sa isang tuldok na pinahaba patungo sa anumang direksyon. Maaari rin itong magmula sa dalawang tuldok na pinag-ugnay.

Ang linya ay ginagamit ngayon sa kahit anong klase ng sining, mapa pagpipintura, pagguhit, at iba pa. May dalawang uri ng linya.

Ang isa ay ang tuwid na linya. Maaari itong nakahiga, nakapataas, nakapahilis, o paputol-putol. Mayroon ring tinatawag na pakurbang linya. Mula sa pangalan nito ay pakurba-kurba o paikot-ikot ang uri ng linyang ito.

Mayroong mga linyang maninipis o makakapal. Ang mga hugis rin tulad ng bilog at parisukat ay nagagawa dahil sa paggamit ng linya.