Ano ang tax evasion (kahulugan tagalog)?

Katanungan

ano ang tax evasion (kahulugan tagalog)?

Sagot verified answer sagot

Ang tax evasion ay ang katawagan sa ilegal na pagbabayad ng buwis na nakalaan sa isang indibidwal o institusyon.

Ang tax evasion ay isang paglabag na maituturing na isang uri ng krimen na madalas ginagawa ng mga malalaking institusyon upang sa gayon ay mapababa ang porsyento na kailangan nilang bayaran dahil sa kanilang operasyon.

Ang mga prsonalidad sa likod ng gawaing ito ay hindi nagiging matapat sa tamang deklarasyon ng kaukulang kinikita nila o ng kumpanya upang mapababa ang babayarang buwis.

Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang sinumang indibidwal na mahuhuli sa paglabag nito ay papatawan ng kaukulan na danyos o di naman kaya ay ng pagkakakulong.