Ano ang tinutukoy na “timeout” ng mga medical practitioner?

Katanungan Sagot

Katanungan

Mga pre, ano ang tinutukoy na “timeout” ng mga medical practitioner? thank you sa makakatulong sakin

Sagot verified answer sagot

Ano ang tinutukoy na timeout ng mga medical practitionerAng tinutukoy na “timeout” ng mga medical practitioner ay ang saglit na pahingang maaari nilang makuha mula sa muling pagbabalik ng bansa sa mas mahigpit na quarantine protocols.

Simula kasi nang luwagan ang ipinatutupad na quarantine sa bansa, ay biglang tumaas ang kaso nang nagkakaroon ng COVID-19. Dahil dito, hindi na kinakaya ng mga medical practitioner na tinatawag din nating frontliners ang kanilang mas mahabang duty sa ospital, suot ang napakainit na personal protective equipment o PPE.

Nanawagan sila sa pamahalaan na baka maaaring higpitang muli ang quarantine rules nang sa gayon ay mabawasan ang libo-libong kasong naitatala bawat araw na nagkakaroon ng nakamamatay na coronavirus.