Katanungan
ano ang tradisyonal na layunin at kahulugan ng mga painting sa landscape?
Sagot
Ang tradisyunal na layunin at kahulugan ng mga painting sa landscape ay upang maipakita ang ganda maging halaga ng kapaligiran.
Ang pagpipinta ng landscape o landscape painting ay isang uri ng sining na nagpapakita ng natural na ganda ng kapaligiran.
Sa kasaysayan, ito ay tinatawag na pagpipintang Sanshui. Ito ay nabubuo dahil sa isang kagalingang taglay ng tao na kung saan ang pagguhit at pagsasama-sama ng mga kulay ang nagbibigay katuturan sa uri ng sining na ito.
Sa paggawa, ang emosyon, hilig, at pokus ang ilan sa mga dapat taglayin ng pintor upang maging maganda ang kalalabasan ng obra. Ang landscape painting ay dapat na isinasagawa ng may kaayusan at kalinisan upang maging higit na kaaya-aya.