Katanungan
ano ang tulong na ibinigay ng grid sa mga manlalakbay?
Sagot
Ang tulong na ibinigay ng grid sa mga manlalakbay ay naibibigay ang tiyak na lokasyon ng isang lugar.
Ang grid ay matatagpuan sa globo na kung saan ito ang tumutukoy sa pinagsama-samang mga guhit longitude at latitude mula sa mapa o globo.
Sa pagkakabuo ng grid, natutulungan nito ang isang manlalakbay upang matagpuan ang tamang direksyon hinggil sa isang lugar na nais niyang patunguhan.
Mula sa proseso ng intersection kung pagsasamahin ang mga guhit latitude at longitude, matutumbok nito ang tiyak o eksaktong kinaroroonan ng isang lugar. Kung kaya naman isa ang mapa sa mahahalagang gamit o bagay na dapat dalhin at ingatan sa isang paglalakbay.