Ano Ang Tunay Na Layunin Ng Lipunan? Paano Ito Makakamit?

Katanungan Sagot

Katanungan

Magandang araw po sainyo… Ano Ang Tunay Na Layunin Ng Lipunan? Paano Ito Makakamit? Ty sa answers po

Sagot verified answer sagot

Ano Ang Tunay Na Layunin Ng Lipunan Paano Ito MakakamitAng mga tao ang pinakamahalagang salik ng isang lipunan. Nagmula nga ang salitang lipunan sa “lipon” na ang ibig sabihin ay “pangkat.”

Sa lipunan, ang tunay na layunin ay ang pagkakaisa o kolektibong pagkilos ng bawat mamamayan upang makamit ang kabutihang panlahat at ang pag-unlad para sa bawat isa.

May iba-iba man tayong pansariling interes, kinakailangan pa rin na ang bawat pagkilos natin ay nasa iisang landas na tinatahak upang maging matagumpay.

Dito kinakailangan ng pagkakaisa at konsiderasyon sa kapuwa. Hindi maaaring sarili lamang ang iniisip, kung hindi kumilos bilang iisang pangkat o lipon upang magtagumpay.