Ano ang tungkulin ng isang encomendero?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Ano ang tungkulin ng isang encomendero?

Sagot verified answer sagot

Noon sinakop ng mga Espanyol ang ating bansang Pilipinas, sila ay nagpatupad at nagtatag ng maraming iba’t-ibang sistema. Isa na rito ang tinaguriang encomienda.

Isa itong mapang-aliping sistema ng paggawa at paghahanapbuhay. Ang mga lupain na sinakop ng Espanya sa Pilipinas ay ipinimahagi sa mga Espanyol na tumulong mag-kolonisa sa bansa. Ito ay ang mga encomendero.

Sila ang nangangasiwa sa mga lupain at ang mga mamamayan ay pawang alipin lamang. Gayunpaman, tungkulin pa rin ng isang encomendero na pangalagaan ang kaligtasan ng mga tao sa kanyang nasasakupan. Siya rin ay may tungkulin na ipalaganap ang Kristiyanismo—isang pananampalataya ng mga Espanyol.