Katanungan
ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay kalakal ipaliwanag?
Sagot
Sa pagtakbo ng ekonomiya ng isang bansa, ang isang daloy na paikot ay kinapapalooban ng sambahayan at bahay-kalakal na siyang lumilikha at bumubili ng mga serbisyo at produkto.
Ang sambahayan ang siyang may-ari ng mga materyales o kasangkapan na kailangan upang makabuo ng isang bagay o produkto.
Ang bahay-kalakal naman ang siyang bumibili sa mga produkto gayundin sa mga serbisyong mula sa sambahayan.
Ang mga produktong ito ay ipagbibili ng bahay-kalakal sa pamilihan upang makalikom ng salapi na siyang ibabayad sa sambahayan upang makabuo muli ng mga kagamitan at serbisyo.
Dahil dito, ang sambahayan ay kumikita dahil sa bahay-kalakal, gayundin naman ang kalakal kumikita dahil sa sambahayan.