Ano ang Wika Para Sayo?

Katanungan

ano ang wika para sayo?

Sagot verified answer sagot

Ang wika para sa akin ay higit pa sa pagiging uri ng komunikasyong pantao lamang. Para sa akin, ang wika ay naglalaman rin ng makulay na kasaysayan ng isang bansa.

Lalong-lalo na sa atin dito sa Pilipinas. Ang ating bansa ay hindi lamang may iisa o dadalawang wika. Kahit na dalawa lamang ang opisyal nating lengguwahe, ang ilang mga probinsya o rehiyon sa atin ay may sariling wika rin nila. Napakayaman ng bansa natin.

Sa ating mga wika ay makikita natin ang masaganang kultura na mayroon tayo. Ang mga wikang sariling atin mula noon hanggang ngayon, tunay na dapat ipagmalaki.