Katanungan
ano ang wikang ginagamit sa pag uusap ng amerikano at pilipino?
Sagot
Ang wikang ginagamit sa pag-uusap ng Amerikano at Pilipino ay wikang Ingles.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto na nagsisilbing daluyan ng kaunawaan sa pagitan ng indibidwal o mga pangkat ng mga tao.
Ito rin ang pagkakakilanlan ng mga taong naninirahan sa isang bansa. Ang paggamit ng wika ay naaayon sa pinagmulan, tirahan, at lahi ng mga indibdiwal.
Sa bansang Pilipinas, ang opisyal na wikang naiintindihan at ginagamit ng lahat ay Filipino. Samantala, nililinang din ng bawat Pilipino ang kakayahan sa paggamit ng wikang Ingles upang makabuo ng isang mahalagang koneksyon as pagitan ng mga indibdiwal na nasa labas ng bansa.