Katanungan
ano ano ang anyo at epekto ng neokolonyalismo?
Sagot
Ang Neokolonyalismo ay ang tawag sa makabagong imperyalismo. Neo na ang literal na ibig sabihin sa wikang Ingles ay “new” o “bago” sa wikang Filipino at kolonyalismo, kapag pinagsama ay neokolonyalismo.
Ito ang paraan kung saan makabago ang pamamaraan ng pananakop ng mga dayuhan na bansa sa mas maliit o mas mahihirap na mga bansa.
May dalawang anyo ito: ang ekonomiya—kung saan ang pananakop ay sa pamamagitan ng “pagtulong” o pagpapautang, at ang kultural—pananakop sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong kultura at tradisyon sa bansa.
Ilan sa epekto ng neokolonyalismo ay kabilang na ang pagkawala ng orihinal na kultura ng bansa, pagkadagok sa utang ng bansa, at labis na pagdepende sa ibang bansa.