Katanungan
ano ano ang cohesive devices magbigay ng tatlo?
Sagot
Ang Cohesive Device Reference o Kohesyong Gramatikal ay mga salitang nagiging pananda para hindi maging paulit-ulit ang isang salita o mga salita.
Ang Cohesive Device Reference ay nahahati sa tatlo, ang Reperensiya, ang Subtitusyon at ang Ellipsis. Ang Reperensiya o Reference tumutukoy sa paggamit ng mga salitang sa paksang pinag-uusapan.
Ang Reperensiya ay mayroong dalawang uri, ito ang Anapora at Katapora. Ang Subtitusyon ay tumutukoy sa paggamit ng ibang salita na maaring ipalit sa isang salita sa halip na maulit ito.
Ang Ellipsis naman ay tumutukoy sa pagtatanggal ng ibang parte ng pangungusap na hindi maaaring mababawasan ang diwa para mas madaling maihayag o mabatid ang nais iparating o ipahiwatig.