Katanungan
ano ano ang di mabuting epekto ng breast ironing?
Sagot
Breast ironing, o kilala rin bilang breast flattening, ay isa sa mga tradisyon na kadalasan ay ginagawa sa ilang bahagi ng kontinenteng Aprika.
Sa pamamagitan ng breast ironing, ang isang nagdadalaga na batang babae ay “pinaplantsa” o “pinapatag” ang papa-usbong na breast gamit ang mainit na iron.
Dahil dito, nagiging patag na ang breast o hindi na tumutubo/lumalaki ang bahagi ng katawan na ito. Nakakabahala ang tradisyong ito dahil marami itong dulot na masama sa kalusugan ng isang bata.
Maaari itong magdulot ng kanser, matindiing pananakit sa dibdib, impeksyon, at iba pa. Kapag nagkaanak paglaki, maaaring hindi mabigyan ng ina ng sapat na gatas ang anak.