Ano-ano ang gamit ng mitolohiya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano-ano ang gamit ng mitolohiya? Ano nga ba???

Sagot verified answer sagot

Ano-ano ang gamit ng mitolohiyaIba-iba ang gamit ng mitolohiya. Maliban sa pagiging kuwento na kapanapanabik ang mga tagpo, ang mitolohiya ay ginagamit din upang magbigay ng impluwensiya pagdating sa damdamin, saloobin, at pang-unawa ng mga babasa.

Bukod rito, ang mga mitolohiya ay mga salaysay din na kinapupulutan ng aral ng mga bumabasa. Ang pag-uugali ay naiimpluwensiyahan din ng mitolohiya.

Ayon din sa mga eksperto sa wika at panitikan, ang mitolohiya ay sumasalamin din sa pamumuhay ng mga tao anuman ang antas nito sa lipunan. Maging sa aspekto ng relihiyon at pagsasalaysay ng nakaraan, ang mitolohiya ay isa ring mabisang daan. Maraming kuwento kasi ang sumasaklaw sa mga nasabing paksa.