Katanungan
ano ano ang hamon sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa?
Sagot
Ang mga gawaing pangkabuhayan ng bansang Pilipinas partikular na ang pagsasaka at pangingisda ay kumakaharap ng iba’t ibang hamon.
Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod: sa pagsasaka, nariyan ang hamon sa paglaki ng dami ng angkat sa mga agricultural na produkto, hamon dulot ng kahirapan sanhi ng kitang mababa sa pagsasaka, hamon sa ponding limitado na binibigay ng gobyerno, hamon sa problema sa larangan ng paggamit ng irigasyon, at ang mga pang-kalikasang suliranin.
Sa kabilang banda, sa pangingisda naman kabilang ang mga hamon ng partikular na sa pagkasira ng mga tirahan, mga pag-usbong ng iba’t ibang istruktura, at ang suliraning kinahaharap ng bansa ang climate change.