Ano ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan?

Katanungan

ano ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan?

Sagot verified answer sagot

Sa kasalukuyang nangyayari ngayon dahil sa pandemya, isa sa pangunahing isyu na kinahaharap ng maraming manggagawa ay ang kawalan ng trabaho o hanapbuhay.

Maraming mga negosyo at establisyemento ang nagsara dahil kinailangan upang hindi na lalo pa kumalat ang nakakahawang virus.

Isa pang kalaban ng mga manggagawa ay ang kapitalismo. Halos lahat ng mga tao ngayon ay hindi sapat ang kinikita o suweldo lalo na at mataas pa ang presyo ng mga bilihin. Mababa ang kanilang sahod partikular na sa mga probinsya.

Ang ilang mga kumpanya o ahensya rin ay may maling pamamalakad kaya naman marami sa mga karapatan ng mga manggagawa ang naaabuso. Isang halimbawa nito ay hindi sila nakakatanggap ng kanilang sahod sa araw na itinakda.