Ano ano ang itinuturing ng inyong pamilya na karapatan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ano ang itinuturing ng inyong pamilya na karapatan?

Sagot verified answer sagot

Ang pamilya ang ugat ng pagkahubog ng kamalayan at ugali ng isang indibidwal. Ito ang unang nagtuturo ng mga magagandang asal at karunungan bago pa man tumuntong sa paaralan. Upang lubos na maging kasiya-siya ang pamilya, ito ay mayroong mga karapatan na tinatamasa.

Ang ilan sa mga itinuturing na karapatan ng pamilya ay ang karapatan na magpatuloy bilang isang pamilya, magkaroon ng panustos na sapat sa mga pangangailangan ng pamilya, karapatang mabigyang katuturan ang pagtuturo ng mga mabuting gawi sa mga anak, karapatang maging pribado sa buhay na mayroon ang pamilya, at ang karapatang maipahayag ang sariling pananampalataya at paniniwala.