Katanungan
ano ano ang kabutihang naidudulot ng bolunterismo?
Sagot
Ang bolunterismo o ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihingi o hinihintay na anumang kapalit.
Ang paggawa ng bolunterismo ay nakapagbibigay ng iba’t ibang benepisyo gaya ng mga sumusunod:
Ito ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa mga taong tinutulungan at tumutulong, ang pagtulong sa iba ay nakatutulong upang higit na mapalago ang sariling kapasidad, ang pagtulong sa iba ay nagbibigay oportunidad sa tao na makapag-ambag sa ikabubuti ng lipunan, nakatutulong ito upang makabuo ng isang koneksyon mula sa kapwa maging ng suporta, at ito ay nagbubukas ng sa pintuan ng higit na pagkilala sa sarili at sa sariling kakayahan na nagdudulot ng kabutihang pansarili.