Ano-ano ang Kahalagahan ng Wika sa Buhay ng Tao?

Katanungan

ano ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao?

Sagot verified answer sagot

Sa tulong ng wika, tayo ay nagkakaroon ng paraan upang makipag-usap sa isa’t-isa. Maaaring sa uri ng pananalita o pagsusulat.

Kahit ano pa man, napakalaking bagay ng pagkakaroon ng wika upang maging maayos ang komunikasyon sa buhay ng tao. At kahit na may iba’t-ibang wika ang bawat bansa as buong mundo, nag-uugnay pa rin at nagsisilbing tulay ang wika upang magkaisa ang mga tao.

Lalo na at pinangalanan ang wikang Ingles bilang internasyonal na wika dahil halos ang buong mundo ay nagsasalita at nakakaintindi nito. Kaya naman talagang mahalaga ang wika sa ating buhay, mula sa komunikasyon hanggang sa pagkakaisa.