Ano ano ang katangiang pisikal ng bansa magbigay ng halimbawa at ilarawan ito?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ano ang katangiang pisikal ng bansa magbigay ng halimbawa at ilarawan ito?

Sagot verified answer sagot

Ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan. Mahigit 7000 ang mga isla na bumubuo sa bansang ito. Ito ay matatagpuan sa timog-silangang Asya kung saan ito rin ay malapit sa ekwador.

Ang bansang ito ay napapalibutan ng mga malalaking anyong tubig tulad na lamang ng mga karagatan at dagat. Nasa tinaguriang “Pacific Ring of Fire,” rin ito kung saan maraming bulkan ang pumapalibot rin dito.

Kapag ikaw ay bumisita sa Pilipinas ay maraming mga kabundukan, bulubundukin, at palayan ang makikita mong tanawin. Marami ring mga ilog, talon, at dagat ang maaaring bisitahin kung saan ikaw ay pwedeng lumangoy. Tunay na isang magandang bansa ang Pilipinas.