Ano ano ang kategorya at kaantasan ng wika?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ano ang kategorya at kaantasan ng wika?

Sagot verified answer sagot

Ano ano ang kategorya at kaantasan ng wikaAng kategorya o barayti ng wika ay ang sumusunod: heterogeneous na wika, homogeneous na wika, dayalek, sosyolek, idyolek, pidgin, creole, at register na ipinapakita kung paano ginagamit ang wika sa iba’t ibang pagkakataon at sitwasyon.

Sa kabilang banda naman, ang mga kaantasan o antas ng wika ay ang mga sumusunod: pormal o mga salitang istandard, pambansa o ang mga salitang ginagamit sa paaralan at mga opisyal na babasahin, pampanitikan naman ang mga salitang gingamit sa literatura, impormal o mga salitang karaniwan o palasak, lalawiganin o mga bokabularyong pangdiyalekto, kolokyal o mga salitang may pabulgar o kagaspangan, at ang salitang balbal na sa English ay salitang slang.