Katanungan
Ano ano ang layunin ng pagbuod synopsis?
Sagot 
Ang layunin ng pagbubuod o synopsis upang mapaikli ang mga pangyayaring nakapaloob sa kwento. Ang pagbubuod o pagpapaikli ng kwento ay tinatawag na summary sa ingles.
Layunin nitong paikliin ang isang kwento upang sa gayon ay mas madali itong maunawaan o maintindihan ng mambabasa. Ang paggawa ng isang synopsis ay napagtatagumpay sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-unawa sa buong kwento.
Ang pagbabasa nito ay hindi kinakailangang gawin ng isang ulit lamang sapagkat maaaring may mga bahagi kang hindi nauwaan kung kaya’t ulitin itong basahin upang maging pamilyar sa mga pangyayari. Ang pagbubuod ay nangangailangang matandaan ang tamang pagkakasunod-sunod ng bawat pangyayari sa kwento.