Katanungan
ano ano ang mabuti at di mabuting naidudulot ng paglinang ng ating kapaligiran?
Sagot
Ang mabuti at di mabuting naidudulot ng paglinang ng ating kapaligiran ay ang mga sumusunod.
Kabilang sa mabubuting dulot ang pagkakaroon ng maraming lupa na maaaring magamit na taniman para sa pagtugon sa pangangailangan ng pagkain; napalalago ang mga lungsod sa pamamagitan ng mga imprastrakturang naipatatayo; at napauunlad ang ekonomiya ng bansa dahil dumarami ang nagnenegosyo.
Samantala, ang hindi mabuti o magandang dulot naman nito ay patuloy na lumalala ang suliranin sa polusyon dulot ng mga pabrika o negosyong itinayo; nakakalbo ang mga kagubatan dahil sa pagpapalit-gamit ng lupa; at lumalala ang suliranin sa climate change dahil sa maling kilos ng mga tao.