Ano ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?

Sagot verified answer sagot

Ang mga batayang salik ay ang mga sumusunod: mayroong pinuno at batas, may aktibong kalakalan, may sistema ng pagsusulat, at may mataas na antas ng agham at teknolohiya.

Mayroon itong pinuno at batas upang maging maayos ang pagpapatakbo sa lipunan at payapa ang mga komunidad. Sa aktibong kalakalan naman ay dapat mayroong palitan ng mga produkto at serbisyo mula sa ibang lugar.

Sa sistema ng pagsusulat, dapat may kakayahan na rin magsulat ang mga tao sa lugar, at sa may mataas na antas ng agham at teknolohiya naman ay kailangan may inobasyon ng mga produkto o ideya para sa kaunlaran ng lugar.