Katanungan
ano ano ang mga gamit ng wika sa lipunan ayon kay mak halliday?
Sagot
Ang wika ay may iba’t ibang gamit sa lipunan ayon kay Michael A.K. Halliday, isang lingwista na nagmula sa Inglatera.
Ito ay ang mga sumusunod: Instrumental na kung saan ito ang pamamaraan ng pagsasaad ng mungkahi o di naman kaya ay panghihikayat hinggil sa isang konsepto; ang regulatory o ang pag-alalay sa mga nagaganap na pangyayari na kung saan ito may maaaring naglalaman ng pagtutol o pagsang-ayon; at ang representasyunal na kung saan ang wika ang daan upang iparating ang isang ideya o kaalaman na maaaring maiparating sa pamamagitan ng paglalahad o di naman kaya ay sa larangan ng pagbabalita.