Ano ano ang mga hakbang sa proseso ng pakikinig?

Katanungan

ano ano ang mga hakbang sa proseso ng pakikinig?

Sagot verified answer sagot

Ang mga hakbang sa proseso ng pakikinig ay ang pagkuha o pagtanggap ng mensahe, pagbibigay interpretasyon, ebalwasyon, at pagbibigay ng tugon.

Ang pakikinig na kabilang sa macro skills ng isang tao ay ang pinakaunang nalilinang na kakayahan nito ay isang prosesong nagaganap sa pagtanggap ng iba’t ibang impormasyon mula sa tagapagsalita o sa ingles ay sender.

Ito ang kakayahan ng tao na maproseso ang iba’t ibang kaalaman na mula sa kanyang paligid at masuri upang sa gayon makapagbigay ng isang maayos na interpretasyon. Upang maging maayos ang pagkakaunawa hinggil sa mga impormasyong ito ang mga hakbang ng pakikinig ay dapat na isaalang-alang.