Katanungan
ano ano ang mga indikasyon ng taong masipag mayroong pagpupunyagi at marunong magtipid?
Sagot
ang mga indikasyon ng taong masipag, mayroong pagpupunyagi, at marunong magtipid ay gumagawa ng may kusang loob, hindi sumusuko sa anumang hamon ng buhay, at responsible sa paggamit ng salapi.
Ang taong masipag ay kakikitaan ng kasiayahan sa kanyang mga ginagawa. Siya ay may kusang loob na tumulong at gumalaw upang mapagtagumpayan ang iba’t ibang gawain.
Ang taong mayroong pagpupunyagi ay ang taong lumalaban sa hirap ng pinagdaraanan upang makamtan ang inaasaham.
Madalas, ang mga taong ito ay hindi nagpapatalo sa hirap at hamon ng buhay upang sa huli ay maipagbunyi ang pinaghirapang tagumpay.
At ang taong marunong magtipid ay matatawag na responsable sa paggasta sapagkat alam niya kung kalian dapat o hindi dapat gamitin ang hawak na salapi.