Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang lungsod estado?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang lungsod estado?

Sagot verified answer sagot

Ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan sa isang lungsod estado ay ang makaboto, magmay-ari ng mga ari-arian, magkaroon ng posisyon sa pamahalaan, at maidepensa o maipagtanggol ang kanyang sarili sa loob ng korte.

Ang mga mamamayan ng partikular na sa Griyego ay nagpakita ng katapatan sa pamamahala sapagkat hindi isinasantabi ang kanilang tinig sa isang pamayanan.

Dahil sa pagpapahalagang ito, minabuti ng mga tao na maglingkod ng tapat na kung saan bilang ganti sila ay biniyayaan ng mga karapatan tulad ng mga nabanggit.

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga karapatan, sila rin ay dapat na tumulong at makilahok sa pagtanggol sa kanilang kabihasnan kung mayroong digmaan.