Ano ano ang mga nalaman ng mga Pilipino nang pumasok sa Pilipinas ang kaisipang liberal?

Katanungan

ano ano ang mga nalaman ng mga pilipino nang pumasok sa pilipinas ang kaisipang liberal?

Sagot verified answer sagot

Ang mga nalaman ng mga Pilipino nang pumasok sa Pilipinas ang kaisipang liberal ay ang pagkakapantay-pantay, kalayaan, at karapatan.

Dahil sap ag-unlad ng sistema ng kalakalan, nakapasok ang liberal na kaisipan sa bansa na mabilis namang lumaganap.

Dahil dito natutunan ng mga mamamayang Pilipino ang iba’t ibang kaisipang liberal gaya ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan, karapatan, at kalayaan.

Natutunan nila ang mga ito dahil sa pagpasok ng iba’t ibang mga babasahin gaya na lamang ng mga aklat, pahayagan, at lathalain na pinaniniwalaang nagmumula sa bansang Europa at Estados Unidos. Ang pagkatuto sa mga ito ang nag-udyok sa mga Pilipino na naising makamtan ang reporma o pagbabago.